Ano Po Ba Ang Matagumpay Na Kwento Sa Buhay Ni Entrepreneur Lolita O Hizon?
Ano po ba ang matagumpay na kwento sa buhay ni entrepreneur lolita O hizon?
Answer:
Ang talambuhay ni Lolita Hizon ay nakalahad sa pamamagitan ng simpleng pamamaraan sa ibaba:
Si Lolita Hizon ay kilala rin bilang "Apung Lolet" sa Kapampangan.
Siya ang babae sa likod ng sikat na Pampangas Best na may produktong tocino, longganisa, bacon, hotdog, at marami pang iba.
Bago pa man sumikat ang Pampangas Best, siya ay isang guro sa elementarya.
Inamin niyang wala siya sa pokus tuwing nasa klase dahil iniisip niya kung nasaan ang kanyang asawa na may negosyong trucking at gasolinahan. Naisip niyang hindi sulit ang binabayad sa kanya ng paaralan dahil wala siya sa pokus tuwing nasa klase.
Paano nagsimula ang Pampangas Best? Pinagdasal niya na bigyan siya ng isang trabaho na sulit ang pasahod sa kanya. Narito ang sikat na "Apung Lolet story": Nagsimula ang tagumpay niya noong ang kanyang kapitbahay, na nagtitinda ng karne sa palengke, ay may tirang paninda. Nag-volunteer si Apung Lolet na gawan ng timpla ang karne upang mapakinabangan pa ito at tumagal ang buhay ng karneng baboy.
Naisip ni Apung Lolet na gamitin ang orihinal na sangkap upang kumita. Gamit ang P3,000 na kapital, napalago niya ang kanyang negosyo na nagsimula sa San Fernando Pampanga Public Market. Ang negosyong ito ay ang kilalang "Pampangas Best" na ngayon.
Ngayon, nananatili ang Pampangas Best bilang isa sa 10 pinakamaunlad na negosyante sa lalawigan ng Pampanga.
Comments
Post a Comment