Ano Ang Elemento Ng Tauhan

Ano ang elemento ng tauhan

Answer:BANGHAY- Tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari sa paksa.Inilalahad dito ang maayos na pagsasalaysay ng mga pangyayari tulad ng ano ang mga pangyayari at ano ang kaugnayan at kahulugan ng mg pangyayaring ito sa binasang akda.

1.) MGA BAHAGI

A. SIMULA– Dito palamang ay mababangit na ang kilos, paglinang sa tao, mga hadlang o suliranin.

B. GITNA – Naglalamn ito ng mga kawi-kawing maayos, sunod-sunod, at magkakaugnay na mga pangyayari.

C. WAKAS–Dito nagkakaroon ng kalutasan ang suliranin.

2.) MGA ELEMENTO

A.PANIMULANG PANGYAYARI

Sa bahaging ito pininakikilala sa mga mambabasa ang mga tauhan at tagpuan. Nagsisimula ito sa unang kalagayan na dapat na mapukaw sa interes ng mga mambabasa na ipagpapatuloy ang pagbabasa ng akda.

B.PATAAS NA AKSYON

Sa bahaging ito, tumitindi o tumataas ang galaw o kilos ng mga tauhan na humahantong sa sukdulan.Nahahati ito sa saglit na kasiglahan at tunggalian na may suliraning lulunasan o lulutasin ng tauhan.

C.KASUKDULAN

Dito sa bahaging ito ipinakikita ang mataas na bahagi ng kapanabikan na sanhi ng damdamin o maaksyong pangyayari sa buhay ng mga tauhan.

D.PABABANG AKSYON

Ipinapakita sa bahaging ito ang unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda.Dito inihuhudyat ang pababang aksyon na nagbibigay-daan sa nalalapit na katapusan ng akda.

E.WAKAS AT KATAPUSAN

Ang kinahihinatnan ng mga tauhan at ng mga pangyayari sa akda ay inilalahad nito.

Explanation:


Comments

Popular posts from this blog

Set A Consists Of The Distinct Letters Of The Word "Advancement"

What Are Properties Of Material