Pagkakapareho Ng Pyudalismo At Merkantilismo???
Pagkakapareho ng pyudalismo at merkantilismo???
ANG PYUDALISMO AT MERKANTILISMO
Mga Kahulugan
PYUDALISMO
•Ang tinatawag na piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pagpapatakbo ng mga lupain kung saan ang lupang pag-aari ng landlord (panginoon ng lupa) o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan o mga taong naninirahan sa kalapit na lugar ng sakahan, na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa may-ari ng lupa. Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon.
MERKANTILISMO
Ang tinatawag naman na merkantilismo ay sistemang pang-ekonomiya na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kapangyarihan at kayamanan. Ito ay lumaganap sa Europa na kung saan noong panahong iyon, mas naging mahalaga ang pera o salapi na bilang tanda ng kapangyarihan kaysa sa pag-aari ng ng lupa.
Ang sistemang pangkabuhayan na isinusulong ang kaisipan ng isang bansa tungkol sa kapangyarihan na nakasalalay sa dami ng ginto at pilak. Pagtatatag ng mga kolonya at regulasyon ng kalakalan panlabas upang pakinabangan ng bansa mananakop. Ito ay ang konsepto na ang yaman ng bansa ay nasa dami ng kayang ginto at pilak
PAGKAKATULAD
•Nakapokus ang mga namumuno sa sistemang ito sa pagsusulong at pagpapayaman ng kanilang mga sarili sa pamamagitan ng serbisyo at kayamanan ng mga taong nasasakupan ng kanilang kapangyarihan.
•Madalas ay kaawa-awa ang kalagayan ng mga karaniwang mamamayan sa sistema at sitwasyong ito sapagkat lahat sila ay kontrolado.
#AnswerforTrees
#BrainlyLearnAtHome
Comments
Post a Comment