Paano Gumawa Ng Agenda Sa Pagsusulat Sa Filipino Sa Piling Larangan ? Salamat!
Paano gumawa ng AGENDA sa Pagsusulat sa Filipino sa Piling Larangan ? Salamat!
Ang AGENDA ay mga impormasyong nakatala para sa gagawing pagpupulong.
Hakbang sa Pagsulat ng AGENDA sa Filipino
- Bigyan ng ideya ang mga kasali sa gagawing pagpupulong kung kailan at saan gagawin ang pagkakatipon. Mahalagang nakasaad ang oras ng simula at tapos nito.
- Mahalagang nakasaad ang mga layunin ng paksang pag-uusapan sa Filipino. Ilahad ng malinaw ang mga layunin upang maging handa ang mga dadalo dito.
- Isa-isahin ang mga paksang pag-uusapan. Kinakailangang alam ng mga kalahok ang mga ito para sa interaktibo at impormatibong talakayan ng gagawing pagpupulong.
- Ilagay sa gagawing AGENDA ang mga taong nilalayon na dumalo sa gagawing pagpupulong.
Comments
Post a Comment