Isalaysay Ang Ginawang Pagpapaunlad Ni Kabesang Tales At Mg Kanyang Pamilya Sa Lupang Sinasaka.
Isalaysay ang ginawang pagpapaunlad ni kabesang tales at mg kanyang pamilya sa lupang sinasaka.
El Filibusterismo
Kabanata 4: Kabesang Tales
Nang maging kabesa ng barangay si Tales, nagsimula itong yumaman. Sa kanyang pagtitiyaga, natutunan niya na makisama sa mga namumuhunan sa bukid upang makapag ipon. Nang siya ay magkaroon ng sariling ipon, naisipan niyang bilhin ang isang gubat na nabatid niyang walang nagmamay ari. ginawa niyang tubuhan ang gubat na ito. Mula sa kita ng tubuhan ay sinikap niyang itaguyod ang amang si Tandang Selo at anak na si Huli. Ngunit ang kanyang katahimikan at kakuntentuhan ay hinangad ng mga prayle sapagkat binuwisan nila ng malaki si kabesang Tales upang hindi ito makabayad at kalaunan ay mapilitan na ipagbili ang kanyang lupa sa iba.
Sa puso ni Tales hindi niya nais na mapunta ang lupa sa iba kaya naman pati ang kanyang buhay ay inialay niya rito. Kinalaban niya ang mga prayle upang mapanatili ang pagmamay ari ng lupang sinasaka. Binantayan niya ang lupa at inarmasan ang sarili upang walang sinuman ang makapanggulo sa kanila. Subalit sadyang mapaniil ang mga prayle sapagkat hinayaan nila ang mga tulisan na lukubin ang kanyang tahanan at si Tales ay madakip ng mga ito upang maging bihag. Walang nagawa ang matanda kundi ang ipaubaya ang sarili at iwan ang lupang labis niyang minahal.
Read more on
Comments
Post a Comment