"Bakit Nararapat Linisin Ang Kalooban, Kung Madalas Nakikitay Panlabas Na Kaayuan?"
Bakit nararapat linisin ang kalooban, kung madalas nakikitay panlabas na kaayuan?
Ang ating pisikal o panlabas na kaanyuaan ay isa sa dapat nating ingatan. Katulad ng pagiging malinis at kaaya-ayang tikas subalit mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng mabuting pag-uugali. Sapagkat ang magandang mukha o hubog ng katawan ay kahalina-halina lamang kung hindi mo kilala ang isang tao. Ngunit kung itoy makikilala mo na hindi maganda ang pag-uugali ay malilimutan mo lahat ang ganda nitong panlabas. Subalit kung itoy may magandang ugali ipagmamalaki mo lahat ang magagandang katangian nito.
Ang malinis na kalooban ay tumatagal habang buhay. Hindi ito kumukulubot o nagbabago na kagaya ng pisikal nating anyo. Sa paglipas ng panahon ang magangdang pag-uugali ay lalong hinahangaan at tinutularan. Kagaya ni Hesukristo na wala mang tiyak na pagkakakilanlan ang mukha ay maaalala natin bilang isang dakilang lumikha dahil sa busilak nitong puso.
Maaring magtungo dito:
Comments
Post a Comment