Ano Ang Kalikasan Ng Emosyon?
Ano ang kalikasan ng emosyon?
Ang kalikasan ng emosyon ay maraming dahilan,mararamdaman o maipapakita mo ang emosyon kung ikaw ay masaya,malungkot,kung ikaw ay galit,nagsisisi,o kung tuwang tuwa,takot at marami pang iba.emosyon o tinatawag ding damdamin,o nararamdaman,hindi ito gawaing pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos ng isang tao.Minsan ang matinding emosyon ay ikinapapahamak ng iba lalo na ang mga kabataan ngayon na hindi makontrol ang kanilang mga nararamdamang emosyon kung sila ay nabigo sa pag-ibig sa sobrang lungkot na emosyon na kanilang nararamdaman na parang pakiramdam nila ay tapos na ang lahat,minsan humahantong sa pagpapakamatay ng isang nilalang.Ang matinding emosyon din ng sobrang pagkagalit ay maari ring ikapahamak ng isang tao,kaya kung ano man ang emosyon na inyong maramdaman pag-aralang kontrolin ito base sa sitwasyon at pagkakataon para sa ikabubuti ng lahat.
i-click ang link para sa karagdagang kaalaman:
Comments
Post a Comment