Mga Gabay Na Tanong Para Sa Bawat Kanabata Sa El Filibusterismo:, Kabanata 1:, Kung Ikaw Si Simoun, Magpapakita Ka Rin Ba Ng Tapat At Galing Sa Mga Ta

Mga gabay na tanong para sa bawat kanabata sa el filibusterismo:

Kabanata 1:
Kung ikaw si simoun, magpapakita ka rin ba ng tapat at galing sa mga taong nanakit sa iyo at sa iyong pamiya? Magugustuhan mi kaya ang iyong bagong katauhan? Bakit?

Kabanata 2:
Maganda ang adhikain nina Basilio, isagani, at iba pang kabataan, Naihanda na nila ang lahat at naghihuntay na lamang ng pagpasa o pagsangayon ng kinauukulan, kung ikaw ay may magandang layunun upang mapaunlad ang sarili at ang iba pang magaaral sa inyong paaralan subalit may mga nakikita kang balakid, ano ang gagawin mo para malampasan ito sa maipagpatuloy pa rin ang iyong plano?

Kabanata 3:
Alin sa mga alamat ng ilog pasig na naikwento ang iyong naibigan at bakit?

Kabanata 4:
Kung ikaw si kabesang Tales, sasangayon ka rin ba sapagbubuwis sa iyong sariling nilinang na lupa? Susunod ka rin ba sa payo ng iyong ama na huwag lumaban sa may kapangyarihan?

Kabanata 5:
Anong damdamin ni Basilio ang lutant nang ;akita ang dating bayan at ang paghirap na paghirap na kalagayan ng mga mamamayan dito? Iugnay ang mensaheng nais ihatid ng may akda rito?

Kabanata 6:
Ang bahagi ng buhay ni Basilioang nakapanlulumo o nakapagpapabagabag ng iyong loob at bakit? Aling bahagi naman sa kanyang buhay ang nais mo siyang batiin at gayahin? Bakit?

Kabanata 7:
Sa iyong palagay, kung hindi man si simoun napapayag si basilio ay darating kaya ang oras na mahihimok niya iting sumama sa kanyang ipinaglalaban? Mahinuha.

Kabanata 8:
Ano anong kaugaliang pilipino ang mababakas mo sa pagdiriwang ng pasko noon? May pagkakatulad pa rin ba ito sa paraan natin ng pagdiriwang sa kasalukuyang panahon?

El Filibusterismo

Mga Gabay na Tanong:

Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta

Kung ako si Simoun magpapakita pa rin ako ng paggalang at katapatan sa mga taong nanakit sa akin at sa aking pamilya sapagkat ito ang ugaling itinuro ng aking mga magulang. Pag aaralan kong gustuhin ang aking bagong katauhan sapagkat ito ang magiging sanadata ko para harapin ang kasalukuyan.

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

Pag aaralan ko ang lahat ng mga paraan upang maipaglaban ang aking mungkahi ngunit kung sa huli hindi man ito mapagbigyan ng mga kinauukulan, ipauubaya ko na lamang sa Diyos ang lahat at magtitiwala ako sa kanyang kapangyarihan.

Kabanata 3: Ang mga Alamat

Ang alamat ni donya Geronima ang aing naibigan. Ang alamat na ito ay tungkol sa dalagang naging katipan ng isang pari habang siya ay naninilbihan sa Maynila. Tinira ng pari ang kanyang katipan sa loob ng kweba upang siya ay ikubli sa mga tao.

Kabanata 4: Kabesang Tales

Kung ako si kabesang Tales hindi ako sasang ayon sa mataas na buwis na ipinataw sa akin at susunod na rin ako sa payo ng aking ama na huwag ng lumaban sa may kapangyarihan para na rin sa kaligtasan ng aking sarili at pamilya.

Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Ang damdaming ito ay habag o matinding awa. Hindi man tahasang sinabi ni Basilio ang pagkahabag niya sa kanyang bayan, sa puso at isip niya nais niya itong maibangon.

Kabanata 6: Si Basilio

Ang bahagi ng buhay ni Basilio na nakapanlulumo para sa akin ay ang pagkamatay ng kanyang ina na si Sisa at ng kanyang kasintahang si Huli. Samantalang ang nais ko namang gayahin at bigyang pugay ay ang kanyang pag aaral at pagkakaroon ng mataas na karangalan.

Kabanata 7: Si Simoun

Sa palagay ko darating din ang araw na kusang lalapit si Basilio kay Simoun upang humingi ng payo dito ukol sa paghihimagsik.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Ang pasko noon at ngayon ay halos walang pinagkaiba. Noon ay magagara ang palamuti at masasarap ng pagkain ang nakalagay sa hapag na pagsasaluhan ng pamilya pagsapit ng noche buena ganun pa din sa panahon ngayon. Ang tanging pagkakaiba lamang noon ay hindi tahasang humihingi ng aginaldo sa kanilang mga ninong ngunit sa panahon ngayon pagsapit ng araw ng pasko tiyak na nandyan na rin ang mga inaanak upang humingi ng aginaldo.


Comments