Ano Ang Mga Kaisipan Sa Kabanata 1-4 Ng El Filibusterismo?
Ano ang mga kaisipan sa kabanata 1-4 ng el filibusterismo?
El Filibusterismo
Kaisipan:
Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Ang mga mayaman at makapangyarihan ay binibigyan ng mataas na pagtingin at paggalang sa kabila ng katotohanan na ang kanilang pag - uugali ay hindi angkop para sa kanilang kinalalagyan sapagkat sinabi sa Bibliya na "ang mga mapagmataas ay ibababa at ang mga mapagkumbaba ay siyang itataas".
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Ang mga mahihirap ay patuloy na niyuyurakan at ianaaba. Sila ay karaniwang hinihiwalay sa mga mayaman at makapangyarihan alinsunod sa kagustuhan ng mga nasa pamunuan. Ang sistema na ito ay hindi makatwiran sapagkat dito nagkakaroon ng diskriminasyon at kawalan ng pagkakapantay pantay.
Kabanata 3: Ang mga Alamat
Ang bawat isa ay may kwento, tao man o lugar. Ang alamat na ito ang siyang simula ng mga kuro kuro ng mga tao. Mahalaga na marinig o malaman kung ano ang totoo upang iyon ang maging basehan ng pagkilala sa isang tao o lugar at hindi ang mga sabi sabi na kumakalat ukol dito.
Kabanata 4: Kabesang Tales
Ang tipikal na buhay ng isang magsasaka ay bungkalin ang lupa, tamnan ito, at kapag napaunlad na ay kakamkamin ng iba. Masakit isipin na sila ang naghihirap at iba ang makikinabang. Sa matandang kasabihan, "sila ang nagtanim, nagbayo, at nagsaing ngunit iba ang kumain."
Read more on
Comments
Post a Comment